Monday, September 28, 2009

Sorry


While driving southbound, bigla na lang nagflashback sa akin ang mga taong nasabihan ko ng "NO"...

As I am writing this, I realize na two letters lang pala ang salitang NO pero napakapowerful nito. May kapangyarihan itong mangwasak ng mga pangarap, manakit ng mga damdamin, at marahil, mag-iwan pa ng sugat na sagad hanggang kaluluwa.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto...Yeah right.

Hindi ako nagsasabi ng katotohanan...

May mga instances siguro na sinadya ko, kase naman clingy na. Ayaw ko nang ganun. Ang usapan, "trip" lang. Pag gusto lang, pag horny lang. Walang pilitan, walang expectations. Kung one night lang eh wala nang extension yun. Pag ganun, bad trip yun. Ayaw ko na, kaya "NO" na lang sa lahat.

Meron naman feeling BF kagad. Nag-eemote na; feeling may hold na sayo...Kailangang sabihan na rin ng "NO".

Alam ko masakit , but I just had to say NO para matigil na ang pretense, ang charade, ang trip na kunwari may feelings. Mas ok na ang one hard blow kesa i-prolong pa ang agony. Mas masakit ata yun in the long run.

I'm just sorry. I had to do it. For your sake. For world peace.

2 comments:

Mike said...

hahaha i so totally agree with your statements... blame that to temperaments!

dencio padilla said...

you also have a list of people you should say sorry to?

heartbreaker mike in the room!!! hehehe