Wednesday, July 23, 2008

SMS


I received this text message from a new acquaintance:

"Frustrating realizations: u find d PERFECT LOVE, but in a WRONG TIME. u find the PERFECT PERSON, but he/she in NOT inluv w/u. u find the PERFECT ONE, but must be LOYAL 2 SUM1 ELSE. u got the PERFECT LOOKS, but NO 1 takes u seriously. u met d PERFECT PERSONALITY, but ur bound to BE JUST FRIENDS. u got BRAINS, but got a FRAIL HEART. u find the COURAGE, but its JUST 2 LATE. ur READY TO LOVE, but u DONT KNOW where to start."

Pinaparinggan ata ako. Di raw forwarded message; ginawa raw niya. Kinukulit ako ng sagot o reaction daw. Wala akong balak. Anong sasabihin ko? Hindi ata niya ako kilala. Ako si DENCIO PADILLA. I am dense, I tend not to feel.

C'est la vie.

Wednesday, July 16, 2008

Ready. Get set. Game.

Likas na sa pagiging Pilipino ang competitiveness.


Mahilig sa sports lalu na sa basketball. Bawat purok, may liga ata ng basketball. Mahilig sa contests -- tuwing fiesta, laging may amateur singing contest, dance contest, Mutya ng Bayan, Miss Gay, biggest kalabasa, most tambuk na bangus, best in home decor...lahat ng maisip ni Mayor na pwedeng ipa-contest, ginagawa sa plaza. At talaga namang patok na patok ang mga ito sa mga constituents nya. For reelection na siya for sure.


Sa TV shows, top rating ang mga gameshows. Extended ang Singing Bee. Third season na ng Deal or No Deal. Nakailang reformat na ang GAME K N B? Binuhay ang career ni Arnel Ignacio. Favorite pa rin ang Pera o Bayong at Laban o Bawi. Basta may contest, tuwang-tuwa ang viewing public. Hep,hep, hurrah (pronounced as ep, ep, uray)!


Sa mga umpukan, in typical male banter fashion, may competition din. Payabangan. Mas matindi, mas grabe, mas marami, yun ang panalo. Tipong, sasabihin ng isa na ang lolo niya ay ganito. Sasagot ang isa pa ng, wala kayo sa lolo ko kase mas ganito siya. Sa pangatlong magsasalita, kailangang walang kwenta yung dalawa, sasabihin niyang, ganyan lang pala ang mga lolo niyo, ang lolo ko ay ganito at ganyan. Punchline. Basta siya ang panalo sa usapan. Esmyuskee?

Everyone: NGEK!

Kahit sa usapin ng sex, walang gustong patalo. The longer the better, the weirder the better, the kinkier the better, the more the merrier ang winning entry. Lamangan parati. Ipamukha na small time lang sila lahat dahil ikaw ay this and that and so much more. As in super so much more talaga.

Ang Pinoy pa!

Syempre hindi rin papatalo ang Dencio Padilla. Ang masasabi ko lang...

One sentence lang.

DP: Well, let's just say, I've been around...

Enough said.

Tuesday, July 15, 2008

TV Plug ng Buhay Ko


"Ano ang nasa dako pa roon...?
Bunga ng malikot na pag-iisip?
Likha ng balintataw
O halaw sa daigdig ng kababalaghan?
Di kayang ipaliwanag,
Ngunit alam mong nagaganap. (Aaaaaahhhhhh....)"

If my life were a TV show, I'd borrow the opening credits of Pinoy Thriller for my plug. Nah, my life is not a horror show. I've just done a lot of horrific, horrible things... I've fallen madly in love a lot of times. That brought out the monster in me. I was never sane. Was always mad. On hindsight, I realize love is insane. A mad experience. To paraphrase My Favorite Bitch, what would be the point of falling in love sanely?

Tama siya.

Kakabaliw talaga ang pag-ibig.
Masarap na masakit.
Madali na mahirap.
Tama ngunit mali pala.
Mali subalit tama rin naman.
Mabuti pero masama rin.
Di talaga tama pero pinipilit na itama.
Nakamamatay pero alam mong ito lamang ang surest sign na patuloy kang nabubuhay sa mundong ibabaw na ito.

Pag-ibig,
pag-ibig,
pag-ibig.
Hay.

Horror? Di kaya.
Soap ito.

Sunday, July 13, 2008

LSS


Sa walang humpay na promo ng isang up and coming na teleserye, namemorize ko na ang lyrics ng theme song nito:

"Sa dinami-dami ng aking minahal,
Kung sino-sino ang umibig sa akin,
Iisa pa lamang ang binabalikan,
Alaala ng kahapo'y pinabayaan.

Sa dinami-dami ng aking nakapiling,
Panandalian lamang at ilang ang nagtagal,
Iisa pa lamang ang inaasam-asam,
Ang nakalipas di maaring balikan..."

Naging LSS ko na 'to. Nakarepeat mode sa cerebrum ko. At parang soundtrack ng montage scene sa isang pelikula, nagflashback lahat ng affairs ko...lahat ng mga long term, short term, no terms, at ang kaisa-isang hindi makakalimutan kahit kailan. Ang nag-iisa, ang natatanging pag-ibig na nagpabago ng buhay ko. My one great love. The love of my life.

"At kahit iba na ang minamahal mo,
Kung sinoman ang siyang may-ari ng 'yong puso,
Ang bawat pangalan, kalaro, kaibigan,
Iisa pa lamang,
Iisa pa lamang,
Ang minahal ko nang ganito."

Gusto ko lang malaman mo na kahit malayo ka man, malapit ka pa rin dahil narito ka lang sa puso ko (at sa puson na rin). Hinding-hindi kita malilimutan. Mahal kita. Mahal na mahal.


Salamat, salamat sa lahat. Salamat.