Monday, April 14, 2008

dense si dencio padilla


ako si dencio padilla...i am accused of being dense. callous daw, uncaring, indifferent.

in short, deadma. deadma sa mga bagay-bagay. flat affect. NVR, not NR. no visible reaction. walang pakialam. ma at pa. weno ngayon, sabi nga nila. weno nga ba ngayon? anong pakialam ko? problema mo? care ko. deadma.

instinct for self-preservation siguro. may magagawa ba ko kung magngangangawa ako? babalik ba sya kung umiyak ako ng dugo? eh kung isigaw ko kaya ang pangalan nya for 1 hour, walang patid, mawawala ba ang sakit? kung maghungerstrike ba ko ng isang dekada, will you see me in a different light? hindi di ba? ganun pa rin yun. wala nang magbabago. ang nakaraan ay alaala na lamang. kaya bakit pa mag-eemote? bakit sad songs pa ang OST? hindi ako masokista. deadma na lang.

sa loob ng twentysomething kong buhay, pakiramdam ko na marami na rin akong pinagdaanan. maraming pinasok na landas. maraming pinagdaanan. marami nang sinuong na mga bagay-bagay. maraming wrong moves.

may regrets, of course! kung sino man yung nagsasabi na walang regrets ay nagsisinungaling...siyempre may isang bahagi ng buhay mo na di mo pipiliing ulitin, isang desisyon na sana hindi mo ginawa. meron yun sa lahat ng tao. mamatay man ako, meron talagang regrets. yung tipong, how you wished you did things differently. meron yun talaga. o kaya, on hindsight ba, gusto mo sapukin ang sarili mo at sabihing, what the hell was i thinking? marami akong nais baguhin, maraming nais ituwid pero wala namang time machine eh. ganun talaga. nangyari ang dapat mangyari. pinili mo ang gusto mong piliin.

sa isang banda, tama rin ang mga tagapagtaguyod ng "no regrets movement", kase we are who we are because of the choices we have made. hindi ako ganito kung di ako nagkamali noon. ganon. tama naman di ba? i can think this way dahil sa mga nagawa ko at nangyari sa buhay ko noon.

pero di panghabambuhay na pwedeng maging dencio padilla. kailangang harapin ang sarili. harapin ang mga multo ng nakaraan. sa ganitong paraan, i can move on.

kaya siguro kahit di na uso ang blog ay eto ako at nagsisimulang magblog.

marami akong gustong ikwento. babalikan ang nakaraan para maituwid ang ngayon at mapaganda ang bukas.

ako si dencio padilla, at ito ang kwento ng buhay-pag-ibig ko.

No comments: