Tuesday, April 29, 2008

tango #5


one lazy Friday afternoon, while having dessert and coffee with a friend, may nakita akong dating kakilala. di ko naman siya pinapansin nuon. ako nga si dencio di ba? friend sya ng friend ko, eh ginago nya friend ko. natural hindi ko siya gusto maging friend kahit obvious na nagpapapansin. pag binibisita nya ang friend ko at nariyan ako, hindi ako lumalabas para makihalubilo...may pagkamasokista kase ang friend ko. miss congeniality. kahit ginagago na siya eh nice pa rin. am not like that. palagi ko sinasabihan pero pasaway siya, ayun laging ineentertain pa rin ang ogag na yun.

cut to: after a year, may nagview sa friendster account ko at nagmessage pa. siya. ang kapal. sinusumbatan ako dahil suplado raw ako...ewan ko ba, nagreply naman ako. katangahan #1. siguro sikat non si lucky manzano. kase kamukha niya. ayun, nagcorrespondence kami sa friendster. opo, nakipagflirt ako sa mga email, text messages, mms. katangahan #2. sorry, tao lang po. (flashback: si lea salonga sa bakit labis kitang mahal: "pasensya ka na dahil hindi mo ko katulad na napakaperfecccttt!") at lahat ng ito ay tinago sa kaibigan ko...pero nalaman din niya somehow. alam ko sumama loob niya. pinagpalit ko friendship namin sa pakikipagflirt. pero that's another topic.

nawala na lang bigla ang flirtation namin. natigil. nagkalimutan na nga eh. all for the best siguro. cut to: present, coffeshop. palabas na siya with his take-out at nakita niya ko. on reflex, i stood up and extended my hand. exchange of pleasantries. he was in a hurry. he asked for my number, at binigay ko naman. katangahan #3. then he took off already. after a minute, he texted and told me that it was him. next text was "cute mo pa rin". ampootah, flirt talaga. of course, ang reply ko --- ang walang kamatayang, official reply ng walang masabi at playing safe, isang smiley. wahahaha. yun lang. pero teka lang, be ready for katangahan #4. we carried out this flirtation again over the weekend. he called me up several times. hay gulay!!!! sinakyan ko pa ang mga plans niya na magkita one of these days and bond! as if! bond daw! di naman james ang first name ko. haha, corny, sorry.

trobol na naman. patay. bakit kase na out of character si dencio eh? katangahan #5.

No comments: