Monday, April 28, 2008

trobol talaga


trobol.

yan ang madalas kong pasukan. dala ng aking kapusukan at kamusmusan. yup, on hindsight, napakaimpulsive ko, at "I was too young..." (sagot ka: "but that's no excuse..."). hindi ako nag-iisip kase. ang mental acrobatics ng brain cells ko ay confined sa classroom at discussions among friends. pero kapag libog na umiiral, ang ulo sa ibaba ang nasusunod. nawawalan ako ng sense and reason. sabi ng makatang Federico Licsi-Espino, "ang libidong lampa" ang nangingibabaw. natatapilok at nadarapa dahil sa libog ko. ito yung sinasabi ng lawyer-friend ko na, lack of better judgement. gusto ko batukan ang sarili ko at sumigaw ng, "what were you thinking?"

simple lang sana ang buhay ko. stick to your partner. wag na magpacute. wag na makipagflirt. wag na mag-entertain. na out of character si dencio padilla dahil sa libog. di na kaya ang maging dense at deadma, at pinatulan ang tukso. yan ang trobol ko. self-inflicted. di kase nag-iisip. ampootah kaseng libog eh. nakakalampa. alam ko ang dapat gawin pero hindi pa rin nagagawa. easier said than done. ayan, in trobol ako tuloy.

sabi ng mga kaibigan ko, i have a knack for complicating things. yung simple lang ay ginagawa kong komplikado daw. mahilig ako magpahirap ng mga bagay-bagay. kaya ayan lagi akong in trobol.

trobol talaga ito.

No comments: