Monday, April 14, 2008

nasa DNA strand


sabi ni mommydear, bata pa lang daw ako ay marami nang nagsasabi na cute daw ako. tuwing hapon, uupo kami sa hagdanan ng bahay na malapit sa kalye. kapag dumadaan ang mga kapitbahay namin ay sinasabihan akong pogi, sabay lapit sa kin at kinukurot ang pisngi ko. siyempre, sasabihin ni mommydear na "pwera usog". mahirap na di ba? wala namang mawawala kung sabihin yon. the point is, bata pa lang ako, kinagigiliwan na ko.

nung elementary ako, marami pa ring nagsasabi kay mommydear na ang gwapo naman ng anak mo tuwing kasama niya ako sa school, sa simbahan, sa palengke. sinasabi nila, "pag laki niyang anak mo, naku, maraming sisiraing babae yan". nariirinig ko iyan nang madalas. pati sa mga tito at tita, narinig ko na yan ng ilang beses.

sa school, lagi akong nasa harapan pag may presentation. pinipili ng mga teacher pag may programs sa school. nung sinayaw namin ang "Putting on the Ritz", ako ang nasa harapan. sa recital namin ng poetry, nasa harap ako. sa mga field demo at group singing, nilalagay ako sa harap. magaling naman akong sumayaw at kumanta noon, pero sa tingin ko, dahil ito sa face value. ang gwapo ay ilagay sa harap.

nung highschool, ganun pa rin. sa schoolplays namin, maganda role ko parati, kung di man ako bida. nasa harapan pa rin. unang pinipili. unang binibigyan ng role. gwapo kasi ako. cutey. Q5. naranasan ko yung tilian. yung makatanggap ng fanmail at loveletters. pati nga proposition na maging boyfriend ako, nakatanggap ako. gwaping kasi. naging crush ng bayan. maraming nakapansin. maraming nagpakilala. headturner daw. ang swerte ko talaga. salamat sa genes nina mommydear at daddydear.

i got mileage for being goodlooking. not bad. pero dahil din dito, gumulo ang buhay ko. mahirap pala talaga ang maging gwapo. lalu na kung alam mo na gwapo ka. tsk, tsk.

trobol ito.

No comments: