Sunday, July 13, 2008

LSS


Sa walang humpay na promo ng isang up and coming na teleserye, namemorize ko na ang lyrics ng theme song nito:

"Sa dinami-dami ng aking minahal,
Kung sino-sino ang umibig sa akin,
Iisa pa lamang ang binabalikan,
Alaala ng kahapo'y pinabayaan.

Sa dinami-dami ng aking nakapiling,
Panandalian lamang at ilang ang nagtagal,
Iisa pa lamang ang inaasam-asam,
Ang nakalipas di maaring balikan..."

Naging LSS ko na 'to. Nakarepeat mode sa cerebrum ko. At parang soundtrack ng montage scene sa isang pelikula, nagflashback lahat ng affairs ko...lahat ng mga long term, short term, no terms, at ang kaisa-isang hindi makakalimutan kahit kailan. Ang nag-iisa, ang natatanging pag-ibig na nagpabago ng buhay ko. My one great love. The love of my life.

"At kahit iba na ang minamahal mo,
Kung sinoman ang siyang may-ari ng 'yong puso,
Ang bawat pangalan, kalaro, kaibigan,
Iisa pa lamang,
Iisa pa lamang,
Ang minahal ko nang ganito."

Gusto ko lang malaman mo na kahit malayo ka man, malapit ka pa rin dahil narito ka lang sa puso ko (at sa puson na rin). Hinding-hindi kita malilimutan. Mahal kita. Mahal na mahal.


Salamat, salamat sa lahat. Salamat.

No comments: