Wednesday, July 16, 2008

Ready. Get set. Game.

Likas na sa pagiging Pilipino ang competitiveness.


Mahilig sa sports lalu na sa basketball. Bawat purok, may liga ata ng basketball. Mahilig sa contests -- tuwing fiesta, laging may amateur singing contest, dance contest, Mutya ng Bayan, Miss Gay, biggest kalabasa, most tambuk na bangus, best in home decor...lahat ng maisip ni Mayor na pwedeng ipa-contest, ginagawa sa plaza. At talaga namang patok na patok ang mga ito sa mga constituents nya. For reelection na siya for sure.


Sa TV shows, top rating ang mga gameshows. Extended ang Singing Bee. Third season na ng Deal or No Deal. Nakailang reformat na ang GAME K N B? Binuhay ang career ni Arnel Ignacio. Favorite pa rin ang Pera o Bayong at Laban o Bawi. Basta may contest, tuwang-tuwa ang viewing public. Hep,hep, hurrah (pronounced as ep, ep, uray)!


Sa mga umpukan, in typical male banter fashion, may competition din. Payabangan. Mas matindi, mas grabe, mas marami, yun ang panalo. Tipong, sasabihin ng isa na ang lolo niya ay ganito. Sasagot ang isa pa ng, wala kayo sa lolo ko kase mas ganito siya. Sa pangatlong magsasalita, kailangang walang kwenta yung dalawa, sasabihin niyang, ganyan lang pala ang mga lolo niyo, ang lolo ko ay ganito at ganyan. Punchline. Basta siya ang panalo sa usapan. Esmyuskee?

Everyone: NGEK!

Kahit sa usapin ng sex, walang gustong patalo. The longer the better, the weirder the better, the kinkier the better, the more the merrier ang winning entry. Lamangan parati. Ipamukha na small time lang sila lahat dahil ikaw ay this and that and so much more. As in super so much more talaga.

Ang Pinoy pa!

Syempre hindi rin papatalo ang Dencio Padilla. Ang masasabi ko lang...

One sentence lang.

DP: Well, let's just say, I've been around...

Enough said.

No comments: